Filipino Poetry

A Social Network For Filipino Poets and Writers.

Minsan ika'y maramot, sa atensiyo'y ayaw ng nakikiamot.
Minsan ika'y mapagbigay,
handang magparaya at maghintay.

Minsan ika'y mistulang bulag,
hinahayaan irog na lumalabag.
Minsan ika'y isang bagong tinig,
maging sa bingi'y hatid ay napakagandang himig.

Minsan ika'y mistulang pipi,
handang magtiis kahit patuloy na inaapi.
Minsan din ika'y mabangis at matapang,
hadang lumaban masunod ka lamang.

Pag-ibig mong tunay at wagas,
Meron na ba ngayong wakas?
Ang pag-ibig mong dalisay,
May bahid na ba itong taglay?

Pag-ibig, ano nga ba ang iyong hatid?
kagalakan, kasiyahan o kirot na walang patid?
Sagutin ang aming mga katanungan,
sa walang katapusang alinlangan.

===
Muli ay isa na naman ito sa mga koleksyon ko na kahit papaano ay nagbigay kasiyahan sa ibang mga kaibigan ko.

Kung nais niyong mabasa ang ibang mga gawa ko ay bisitahin niyo ang aking website.
Baul ni Noel

Share 

Comment

You need to be a member of Filipino Poetry to add comments!

Join this Ning Network

Noel Comment by Noel on November 4, 2009 at 11:36pm
thanks! there are more on my blog. THanks sa pagbasa.
Bea Magbanua Comment by Bea Magbanua on October 24, 2009 at 1:12pm
bro,wat nice master piece....ganyan pag true love

FILIPINO POETRY Policies

Please be guided accordingly with our policies. The following are strickly implemented:

1. Only original poems and write-ups should be published. Avoid plagiarism.
2. No offensive or inappropriate pictures and videos should be posted.
3. No offensive or inappropriate words to defame other members.
3. Love and respect each member of FP.
4. No unpleasant behavior such as impersonating.

Birthdays

There are no birthdays today

Badge

Loading…

Live Traffic Feed

© 2009   Created by theCreator on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service

Sign in to chat!