Sa nalalapit mong pagiging isang ina
Ang dalangin ko’y ligtas ka sa tuwi-tuwina
Maging ako nga ay nag-aalala
Sa kalagayan mo kapag kasama kita
Mahirap mang maituturing ang pagdadalantao
Ngunit sa tingin ko’y kayang-kaya mo ito
Huwag mo lang sanang makakalimutan ito
Kung hindi’y magagalit ang baby mo
Kung ano man ang sa iyo’y magagawa ko
Huwag sanang mag-alinlangan kaibigan ko
Hindi ako magdadalawang isip sa iyo
Dahil narito ako naghihintay lamang sa iyo
Written by: Bubot Lopez
Date: 05/10/09…
Continue
Added by Bubot Lopez on November 1, 2009 at 1:29am —
No Comments
Ang sabi ng kaibigan ko
Naririnig mo daw ako
Anumang hinaing at nilalaman ng puso ko
Sabi niya ito daw ay nalalaman mo
Ngunit bakit tila yata ako’y pinapahirapan mo?
Sa bigat ng problemang pinapasan ko
Totoo nga bang mas malapit ka ngayon sa akin?
Totoo nga bang ang hirap ko’y pinapasan mo rin?
Marahil sadyang maramot sa akin ang tadhana
Marahil sadyang hindi ako pinagpala
Subalit kung ang lahat ng ito’y may katapusan
Sa huli’y lubusan kitang pasasalamatan
Written By: Bubot Lopez
Date: 05/10…
Continue
Added by Bubot Lopez on October 31, 2009 at 8:48pm —
No Comments
Anong halaga ng buhay ko
Simula ng iniwan mo ako?
Nababalot ng lungkot ang puso ko
Tumitibok man ito’y, tumatagos ang dugo nito.
Giliw, madalas kong sambitin sa iyo
Na tanging ikaw lamang ang kahulugan ko
Kung ako’y hahanapin mo sa isang diksyonaryo
Ngunit ngayo’y ano nga ba ako?
Walang maihahambing sa pag-ibig ko sa iyo
Handa kang palayain kung ito ang ibig mo
Subalit patuloy akong aasa sa iyo
Magbabakasaling sa huli ika’y mapapasaakin
Hindi kailanman ako’y magdaramdam
Dahil mahal kita magpa…
Continue
Added by Bubot Lopez on October 31, 2009 at 8:46pm —
No Comments
O anong dali para sa amin na ikaw ay husgahan
Sa sandaling kami’y nasa gitna ng kadiliman
Samantalang hindi ka namin nakikilala
Sa mga panahong kami ay nagsasaya…
Ilang ulit na ba kitang tinanong…
Sa mga bagay na sa kagustuhan ko’y hindi umaayon
Ngunit anong karapatan kong gawin iyon
Ako’y hamak na tao lamang at walang direksyon
Nilikha ba kaming sadyang mapanglait?
Sa Diyos at sa kapwa’y lantaran ang ugaling kay pangit
Mga mata at bibig namin ay diyan magaling
Dakila at pinagpala pa nga ang b…
Continue
Added by Bubot Lopez on October 31, 2009 at 8:44pm —
No Comments
Hindi ako larawan ng isang perpektong tao
Marami akong pagkukulang sa kapwa ko
Magara man ang kasuotan ko’y may dungis din ako
Ngunit ang panahong ito’y hindi sa isang katulad ko
Kundi sa mga taong nangangailangan ng tulong mo
Magkikibit-balikat ka lang ba sa mga nakikita mo
Kung may magagawa kang higit pa dito
Kapabayaan man o parusa ang nagaganap na ito
Ngunit hindi diyan natatapos ang pagkatao mo
May responsibilidad ka bilang tao,
May responsibilidad ka bilang Pilipino
Maniwala kang walang…
Continue
Added by Bubot Lopez on October 31, 2009 at 8:44pm —
No Comments
Ako’y humingi ng tawad sa pagkukulang ko
Kung hindi ko nagagawa ng maayos ang trabaho ko
Kahit alam kong hindi “excuse” ang kabiguan ko
Upang gampanan ng tama ang tungkulin ko
Pinipilit kong tumayo upang makita ninyo
Sa kabila ng hirap ko’y nagsisikap pa rin ako
Ngunit malayo ito sa totoong ako
Hindi nga ito ang “best” ko at inaasahan ninyo
Ngunit darating ang isang araw
Makakabangon at ngingiti ako sa iyo “MEITI”
Sa mga mahal kong kaibigan na laging nariyan
Saksi sa paghihirap ko’t tagumpay.…
Continue
Added by Bubot Lopez on October 31, 2009 at 8:41pm —
No Comments
Punong-puno ng sakit ang puso ko
Simula noong iniwan mo ako
Mapapatawad pa ba kaya kita?
Gayong sa paglisan mo’y wala nang natin
Paano mong nagawa ang lahat ng ito?
Nadarama mo ba kahit kaunti ang paghihirap ko?
Ganun lamang ba talaga kadali sa iyo?
Matapos pagsawaan ay itatapon mo ako?
Ang lahat sana’y madaling tanggapin
Kung naging tapat ka lamang sa akin
Subalit ano ang bumabalot sa iyo?
Sa mga sandaling ipinagkakaila mo ako?
Sana’y dumating ang araw na maisip mo
Na ako’y walang nagawang k…
Continue
Added by Bubot Lopez on October 31, 2009 at 8:39pm —
No Comments
Aanhin ko ang pusong sugatan?
Parati na lamang ba itong masasaktan,
Mabuti pa yatang naging isang basahan
Labhan mo at patuyuin sa araw
Muli mo itong pakikinabangan…..
Nagkulang ba ako sa pagmamahal?
Hindi na ba ito mapagbibigyan?
Ngunit paano ko pa ito mapupunuan?
Gayong wala na akong makitang pag-asa
Ngumiti man ang araw sa akin ay bale-wala na
Walang araw na ako’y hindi naghintay
Ang muli kang makapiling ay inaasam-asam
Kung tuluyan ka nang lumayo sa akin
May magagawa pa ba kundi ika’y pala…
Continue
Added by Bubot Lopez on October 31, 2009 at 8:37pm —
No Comments