Filipino Poetry

A Social Network For Filipino Poets and Writers.

verso para libertad
  • Male
  • Oran
  • Algeria
Share 

Verso para libertad's Friends

verso para libertad's Videos

 

verso para libertad's Page

Latest Activity

verso para libertad added a blog post
dalawampung-taon ka ako nama’y labing-lima nuong sinabi mo sa akin: ang pag-ibig ay ito, ang pag-ibig ay iyon. pumitas ka ng dahon mula sa kawayang yumuyuko, humahalik sa lupa at itinuro mo ang malalabay na sanga ng nara na humahaplos, sumasamba…
August 11
ayos yan. pampabata! ahihihi... thanks for sharing.
August 11
verso para libertad added a blog post
Asul na kakahuyan sa bumbunan ng mga kabundukang nangagpatirapa . Inaabot, hinahagkan ng pakiling na araw sa kanluran Dapithapon ito ng paghihiwalay. Talikurang hakbang ng mga paang marahang hinahawi ang langibing damuhan, mga siit, tuyong dahong…
July 29
July 29
"Di man madalas sabihin kayo'y mahal ko dito sa puso ko nanatili ang salitang ito di man makapagpasalamat sa lahat ng ginawa nyo sa araw-araw nang buhay ko ito ang nais kong sabihin sa inyo..." ********** Dearest Rose, eto ang pinakapuso ng tula m…
July 28
Hi Bea, Thanks for reading. Your comment is well appreciated. Musta ka naman? Hope ur doing good wherever you are. Keep safe and God bless.
July 11
hanip kuya ah...ganda ah..
July 10
verso para libertad added a blog post
Dumarating ka Sa mga sandaling hindi na ako humihiling Ikinakawit Sa aking batok, sa aking beywang Ang mga langong paanyaya, mga pagsamo Na bumalik sa mga patak at lagaslas Ng tubig sa dutsa Sa mga pagbaling, pagpihit, pananabik Na marahang nilul…
June 28

Comment Wall (2 comments)

You need to be a member of Filipino Poetry to add comments!

Join this Ning Network

At 1:49pm on March 10, 2009, Bea Magbanua said…
hi..xenxa talaga di ko pa kasi na update pictire ko. open mo nalang friendster ko pr mkita u me..i2 fs ko..nana41smi@yahoo.com
At 10:14pm on March 5, 2009, theCreator said…
Hi! Welcome to FILIPINO POETRY Social Network. Mabuhay ang mga Makatang Pilipino!

Profile Information

verso para libertad's Photos

Loading…

Verso para libertad's Blog

verso para libertad

Alaala ng Tag-ulan

dalawampung-taon ka
ako nama’y labing-lima
nuong sinabi mo sa akin:

ang pag-ibig ay ito, ang pag-ibig ay iyon.


pumitas ka ng dahon mula sa kawayang
yumuyuko, humahalik sa lupa

at itinuro mo ang malalabay na sanga ng nara
na humahaplos, sumasamba sa usli niyang mga ugat;

saka mo binilang ang mga kristal na hamog
na sinusuyo, idinuduyan ng mapaglarong hangin.

wala akong naunawaan sa mga sinabi mo
dahil nakatitig ako sa iyo


habang ikaw ay nakatingala
at nag-aabang sa mga hamog—… Continue

Posted on August 11, 2009 at 4:00pm —

verso para libertad

Paghihiwalay

Asul na kakahuyan
sa bumbunan ng mga kabundukang
nangagpatirapa . Inaabot, hinahagkan
ng pakiling na araw sa kanluran

Dapithapon ito ng paghihiwalay.

Talikurang hakbang ng mga paang marahang hinahawi
ang langibing damuhan, mga siit, tuyong dahong
nagsisuko, nagpagupo sa poot ng araw—mandi’y nangagpatiwakal

Sa pasyok ng habagat, pinasasayaw ng sinulid ang mga matang
lumulutang sa kawalan. Habang sinusundo
niyayakap ng takipsilim ang mga sinag at kinang

Kagaya ng mga akbay, ng mga pisil… Continue

Posted on July 29, 2009 at 7:57pm —

verso para libertad

Nakikisilong

Dumarating ka
Sa mga sandaling hindi na ako humihiling

Ikinakawit
Sa aking batok, sa aking beywang
Ang mga langong paanyaya, mga pagsamo

Na bumalik sa mga patak at lagaslas
Ng tubig sa dutsa

Sa mga pagbaling, pagpihit, pananabik
Na marahang nilulusaw ng mga langitngit

Ng kama
Ng humihingang sahig.

Sa silid na ito ng mga alaala
Paulit-ulit
Iniaabot mo sa akin ang iyong mga pasalubong:

Hiniwa-hiwa at pira-pirasong paliwanag
Nakalata, yupi-yuping paghihintay
Nakaboteng halik – padaplis, kagya… Continue

Posted on June 28, 2009 at 12:01am — 2 Comments

verso para libertad

Tuwing Lilisan ang Tag-araw

Itinataghoy ko
Ang pagkawala
Ng marami
At magagandang bagay

Kagaya, halimbawa,
Ng kagagapas na palay—

Nakalatag, gintong balabal
Sa balikat ng dalagang
Ang pawis sa noo at karit
Na tangan ay pinakikinang ng araw.

Sisipol ang habagat
Upang ihudyat ang pagkabulok
At pagkalusaw ng dayami

Na muling inaangkin ng bukid
Pagsapit ng tag-ulan.

Nakapanghihinayang . . .

Walang bagay, wala ni isa man

Ang nananatili’t nagtatagal.

Posted on June 3, 2009 at 6:13pm —

verso para libertad

Hardinero ng Pag-ibig

sapagkat ikaw ang aking pinakatatangi

hindi kita aagawin
o pipitasin sa tangkay

upang isabit sa leeg
gaya ng isang sampagita.

manapa’y

itatanim ko

ang aking sarili

upang yumabong

sa iyong tabi.

Posted on June 3, 2009 at 6:11pm —

 
 

FILIPINO POETRY Policies

Please be guided accordingly with our policies. The following are strickly implemented:

1. Only original poems and write-ups should be published. Avoid plagiarism.
2. No offensive or inappropriate pictures and videos should be posted.
3. No offensive or inappropriate words to defame other members.
3. Love and respect each member of FP.
4. No unpleasant behavior such as impersonating.

Birthdays

There are no birthdays today

Badge

Loading…

Live Traffic Feed

 

© 2009   Created by theCreator on Ning.   Create a Ning Network!

Badges  |  Report an Issue  |  Privacy  |  Terms of Service

Sign in to chat!